Ako at Si Loko

27 Feb 2008 In: Love

love.jpg

Minsan sa buhay ko, may isang nakilala
Taong sa iba’y di ipagkakaila.
Lalaking sa tingin ko ay antipatiko,
Mukhang tahimik ngunit mayabang daw at loko.

 

Aamin ko, gusto ko siya..
Sa tindig at mukha di na ikakahiya.
Mahilig sa sports at may ibubuga,
Sa kanya tuloy ako’y napahanga.

 

Napadaan ko siya dito sa aming lugar,
Humahanga ako ngunit di naman bulgar.
Kaya napapatili nalang kapag bigla siyang makita,
At pagnapatitig sakin ay anong saya!

 

Ngunit nang maglaon, lahat biglang nagbago
Di ko na crush si Loko.
Siguro may bago na akong napupusuan,
Kaya ngayon natural nalang kapag siya’y napapadaan.

 

Nang maglaon, ako’y kanyang napansin,
Sa ganda ko’y biglang napatingin.
Ops! ‘Wag kang kokontra pagkat tula ko ‘to.
Kung gusto mo, gumawa ka ng iyo!

 

Madalas na siyang bumaybay sa aming lugar,
Napapatitig siya kahit na I’m far.
Oh diba ganda ng ate mo?
Pero paano yan eh di ko na siya gusto?

 

Siya ay nanligaw dahil sa’kin ay humanga.
Nagpapacute kahit sa pader ay bumangga.
Naglalaro po kasi siya non’,
Nang siya’y napatitig nang ako’y lumingon.

 

Isang araw ako’y parang nabihag
Sa kanyang abilidad at siyempre sipag.
Sa pampisikal na anyo, okay naman siya.
Kaya nga sabi ko di na ikakahiya.

 

Ngunit bakit may takot sa aking puso?
Afraid akong mahalin itong si Loko.
Paano kasi baka hindi totoo,
Hangarin niya sa isang tulad ko.

 

Kaya un, kahit ako’y may lihim na pagsinta,
Sa kabilang daan parin ang punta.
Ako’y umiwas at dumistansya
Kahit pa puso’y nabihag na niya.

 

Puso niya siguro’y napagod din
Sa akalang ako’y walang pagtingin.
Sa takot magmahal ito’y nilihim,
Kahit sa totoo’y gusto ko siyang sagutin.

 

Mabilis nagdaan ang taon na mapaglaro,
Di sinasadyang Ako at si Loko ay nagtagpo.
Ang pag-ibig na noo’y aking iniwasan,
Ay siya palang daan sa tunay naming pagmamahalan.

“Fool Toy”

27 Feb 2008 In: Truth

images.jpg

It’s really hard to love a boy,
Who thinks that girls are “toy”.
They’ll say, “You’re the one I love..”
But you’ll never know how many girls they have.

In you they’ll say “I Love You..Forever!”
But in other they’ll spend time much longer.
So don’t love boys so easily,
‘Cause one day they’ll make you realize “I’m silly.”

Find the real one who is true to you.
Don’t love that much, wait that they do!
Always remember that boys sometimes pass by,
Just to fool us girls then say “Goodbye!”

About this blog

This blog is a collection of different reviews, issues, emotions and awareness about things that's really happening around us. It doesn't matter how long I've started, what matter most is how I deal on it as I personally write the content I post. Better understanding on what I wrote is also that great.


Sponsors

 

November 2008
S M T W T F S
« Oct    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Tags